Tuesday, October 20, 2009

Anong bagay,lugar,produkto,kultura sa gensan at south cotabato sa inyung bayang sinilingan ang ipagmamalaki mo at hindi mo ipagmamalaki
















Ang mga bagay ,lugar,produkto,kultura sa gensan ang aking ipinagmamalaki ay yong mga produktong tuna,saging, pinya,niyog na iniexport pa sa ibang bansa.At mga magagandang lugar lalo nayong sa gumasa na beach resort at masarap din mag scuba dito dahil sa napakalinis ng dagat,at yong sa polomolok na mount matutum maraming mga taga ibang lugar ang nagbabalak na umakyat sa bulkan nayun.Mga bagay na maipagmamalaki kupa ay yung mga gawa na sariling atin.Mga kulturang maipagmamalaki ko ay yung lagi nating ipinagdadaraos ang araw ng Heneral Santos. Dahil dito ay mas higit pa tayong nakikilala sa ibang bansa dahil sa ating mga produktong sikat,ang di ko maipagmamalaki ay yong mga taong may ginagawang pagsisira sa ating lugar dahil sa walang magawa sa buhay at yan ang diko nagugustuhan at diko maipagmamalaki dahil unti-unti nilang sinisira ang mga magagandang bagay dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Anong parte ng katawan ninyo ang gusto ninyong maging sikat ?At bakit?


Para sakin ang gusto kong sumikat ay ang buong parti ng katawan ko kasi pag isa lang ang pipiliin ko,diko ito magagamit.alam naman natin na kailangan natin lahat ang ating buong parte ng katawan kasi pag may isang parti sa ating katawanna wala ,parang hindi na kumpleto ang katawan natin.At ang tawag dun ay abnormal lahat ng nasa katawan natin ay kailangan natin ito kaya pahalagahan natin ang ating katawan wag natin itong abusuhin kasi pag ito napagud bigla nalang itong susoko na di natin nararamdaman.Mahal ko ang lahat ng parti ng katawan ko kaya wala akong isa man sa kanila na hindi ko mamahalin kasi bawat isa sa kanila ay mayroong mga dapat gawin.



Ang paborito kong hayop ay aso.kasi ang aso sila ang nagsisilbing tagapagligtas at kaibigan ng tao,para din silang tao ang kaibahan lang di sila nakapagsasalita ginagawa lang nila ito sa pamamagitan ng mga sinyas ng mga aso pero nakakaintindi sila kong ano ang gusto mong iparating.
Mayroon kaming alagang aso sa bahay.Ang pangalan niya ay brad siya ay maamong aso at napakabait at malikot ,pagnakita ka niya mas lalo siya lumilikot mahilig siyang makipaglaro ,siya ay Pitbull Labrador na aso.Kung papagalitan mo siya, madali lang siyang magtampo, siya ay papansin na aso pag nakita ka niyang umalis magpapangap siyang patay patayan .kung umasta siya para siyang tao .Tinataholan niya yong mga taong bago palang niya makikita.pero pagkilala ka na niya di ka niya yan tatahulan.Maraming mga bawal na pagkain sa kanya,tulad ng isda,manok namamayat siya pag pinapakain mo ng ibat ibang pagkain tulad ng kanin at iba pa merun siyang sariling pagkain na pang aso talaga.

Mga karanasan ko nung sumakay ako ng jeep at trycycle.











Ø Nakaaway ko ang tricycle driver kasi subrang sumingil ng pamasahe.Ang lapit lang naman ng bahay namin gusto niya doble ibayad ko.

Ø Papunta kame sa ibang lugar habang sakay ng jeep nasa kalagitnaan na kame ng bundok,natanggal ang isang gulong.Grabi ang karanasan ko nay un 9 yrs old palang ako.

Ø Malapit na kaming mabangga ng isang Taxi.kasi malakas masyado magpatakbo yong driver ng sinasakyan ko.

Ø Malapit na akong mahulog sa jeep habang pababa. Lumakad na ang jeep pababa palang ako parang di niya nakita na pababa palang ako,kala niya daw nakababa na ako.

Ø Sa subrang pagmamadali ko muntik na kame madisgrasya kasi malapit na ako malate papunta sa paaralan.

5 programma kung ako ay magiging presidente.

· Libreng text para sa mga tao.
· Ipapatupad ko ang diborsyo.
· Mga magnanakaw dapat putulan ng kamay.
· Ipapatupad ko ang libreng edukasyun para sa mga mahihirap.Text Color
· Ipapatupad ko ang libreng Medical equipment at libreng gamut para sa mga mahihirap.
· Ipapatupad ko ang tamang presyo sa gasolina.

Friday, October 16, 2009

Anong masasabi mo sa konsepto ng "Relief Goods Campaign"?




Ang konsetong "Reliep Goods Campaign"ay magandang proyekto para sa mga taong nasalanta ng mga sakuna.Ang pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo ay magandang gawain sana ipagpatoluy lang natin ang ganitong pag-uugali dahil balang araw babalik din satin ang grasya, pag tayo naman ang nangailangan .Sa mga nagbigay ng tulong maraming salamat naway ipagpatuloy natin ito .Ang ganitong proyekto ng mga governo ay maganda kasi naisip nila ang mga tao sa oras ng dilumbyong dumaraan sa ating bansa nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa ating mga kapwa kapamilya kasi bukas ang kanilang mga puso para tulongan ang mga nasalanta ng bagyong ondoy.

Totoo ngaba bang hindi naghuhugas ng kamay ang mga lalaki palabas sa cr?











May tinanong akong apat lalaki limang lalaki siya ay si Marchun Ferrando ayun sa kanya kung palabas na siya ng cr,naghuhugas daw siya kasi alam niyang madumi daw ang bawat sulok ng cr.Rodolfo Pablo ayun rin sa kanya naghuhugas daw siya ng kamay paminsan kasi ngmamadali daw siya .Xernan Cruz naghuhugas lang daw siya pag may oras pa siya maghugas ng kamay niya .Rl Engbino naghuhugas daw siya lage ng kamay maarti kasi daw siya ayaw niya ng marumi.

Ang top 5 na ginagawa pagkagising sa umaga pagkagising ?Bakit?




Pumopunta sa cr ngbabawas, naghihilamos,Kumakain,maliligo,nagbibihis.Nagbabawas talaga ako kada umaga para mapalabas ko ang dumi ko sa katawan.Naghihilamos ako tuwing umaga kasi tulo laway ako at may muta kung umaga.kumakakain pag umaga para hindi ako malipasan ng gutom kong puponta ako sa paaralan.Naliligo talaga ako tuwing umaga para hindi naman ako mabaho, baka ano sabihin ng mga kaibigan ko.

Thursday, October 15, 2009

Pumili ng Top 5 na Presidentiabe candidate at bakit sila?
















Joseph Estrada,Manny Villar,Noynoy Aquino,Mar Roxas,Chiz Escudero.Sila ang dapat tumakbo sa eleksyun para sakin karapat dapat sila .lalong lalo na si Erap nagsakrispisyo siya sa ating lahat,ginawa niya ang lahat para tayo ay matulungan alang alang sa ating mga pangangailangan.Manny Villar alam nating lahat na laki siyang mahirap ,pero di siya nakakalimot kong san siya nanggaling Tinulongan niya ang mga taong di makauwi sa abroad at ang mga taong inabuso,tumulong siyang mabigyan ng mga kabahayan ang mga mahihirap.Noynoy Aquino siya ang anak ni Cory at Ninoy alam nating isa ang mg magulang nila ang nagsakripisyo sa ating bansa ginawa nila ang lahat para ipaglaban ang bawat karapatan ng mga tao.Roxas siya tinawag na Mr. palengke kasi nagbigay siya ng mga electronic na timbangan at tumtolong din siya sa mga mahihirap na nasalantang bagyo si Mr. palengke para sakin siya may isang salita tapat sa ating bayan at gusto niya pantay pantay lang tayong lahat kong mamuhay.Escudero siya magaling na pulitiko at isa rin sa mga tapat sa ating bayan at may isang salita.Sila ang napili kong Top 5 na presidentiable sa ating bansa kasi lahat sila may katangian na maging pinuno sa ating bansa, kasi marami na silang karanasan at naipakita sa mga tao..

Sang-ayon kaba sa pagpapatayo ng coal fired plant?





Sang-ayon ako sa pagpapatayo ng coal fired plant dahil nakakatotolong ito kahit papano sa ating bansa dahil sa ngayon labis tayong nangangailangan ng elektrisidad sa ating bansa ,ang pagpapatayo ng coal fired plant ay maraming advantage ,ito ay nagproproduce large electricity amount sa atingbansa ,Ang disadvantage naman nito ay masisira ang ating kapaligiran kasi ang pagsusunog it release the carbon dioxide at magkakaroon ng global warming at ang pag mimina at pagsusunog it can caused pollution .At sinisira nila ang natural habitats ng mga hayop na namumuhay. ang pagpaptayo ng coal fired plant ay dilikado rin kasi maraming mapapahamak,pero kahit ganun,alam naman natin na bago ito pinatayo sa ating lugar pinag-isipan naman nila ito,kaya nga naaprobahan ang proyektong ito,ang coal fired plant ay may tamang naiidulot at maling naiidulot saatin,pero merun naman siguro silang mga safety measures na ipinapatupad .Marami mgatao ang nagsasa na ang pagpapatayo ng coal fired plant ay mabuti kasi coal power is realiable and affordable,it maybe affordable and realiable and affordable,but in the future the damage that col power would cause,would be much epressive.



Anong aral ang natutunan mo sa mga dilubyong dumaan?
















Ang aral na aking natutunan nung dumaraan ang mga dilubyo dito sa ating bansa ay dapat bawat tao ay magtulongan tulad ng pagbibigay ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyong ondoy at pepeng ,na kahitnagkaganun ang nangyari sa kanila di parin sila nawalan ng pag-asa .Ang dapat na gawin ng mga governo ay pangalagaan ang kapaligiran at iwasan ang pagpuputol ng mga punong kahoy,dahil ito ang dahilan,kung bakit nagkakaroon ng ibat ibang dilubyung dumaan ,kaya karamihan sa mga tao ngayon ay naghihirap.At ito narin ang kaparusahan sa ating mga maling ginagawa .Kaya sa ngayon ay dapat dubli ingat na tayo para maiwasan ang ganyang dilubyong dumaan.

Anong masasabi mo sa mga batang nanghihingi ng limos ,totoo ba kaya ang kanilang kalagayan o parti sila ng isang singdikato?















Ang mga batang nanglilimos ,totoo ang kanilang mga kalagayan na ulila na sila walang mga magulang nagiging palaboy sila at hinuhuli sila ng mga mga sindikato at ginagawang alipin at pinagkakwartahan .Ang mga batang ulila ay nakakaawa kasi pag wala silang nalimos di sila pinapakain at hindi sila pwedeng umalis sa napasukan nilang sindikato,kung may magtatangkang lumaban o tumakas,binabartolina nila ito at binobugbug para di ma umulit tumakas.Dapat ang mga batang ito ay nasa mga ampunan para mabigyan sila ng magandang buhay at para mabuo nila ang kanilang mga pangarap kahit ulila na sila ,kasi pagdun sila sa ampunan may magpupuno ng pagmamahal sa kanila.Para hindi sila lumaking magnanakaw at masasamang tao.

Monday, October 12, 2009

Ang kabataan ba ay alcolohic ngayun?













Sa panahon natin ngayun,wala kanang makikitang tao na hindi na nag-aalkohol kung merun man mang di nag-aakohol mabibilang lang ang mga tao nayun.Di katulad dati mga tao ay walang mga bisyo.Isa sa mga dahilan kung bakit nag-aalkohol ang mga kabataan ngayun,dahil bigo sa pag-ibig ,sira sira na ang pamilya at ang ang iba ito yong ginagawa nilang libangan kung wala silang ginagawa.Para sa kanila ang pag-iinum ay kanilang libangan at para makalimutan nila ang kanilang mga problema ,para umiwas sa mga taong nanakit sa kanila.Para saakin ang pag aalkohol ay hindi solusyun sa mga problema natin kasi ang ganitong paraan ay panandalian lamang.kahit uminom man tayo ng uminom walang mangyayari.At hindi ito maganda sa kalusugan natinmas lalo itong nakakasama sa ating kalusugan.

Thursday, October 8, 2009

Ang pagsalanta ni bagyong ondoy ay dapat isisi kay?
















Ang pagsalanta ng bagyong ondoy ay dapat isisi sa mga governo at taong bayan.Kasi mismo mga mga governo ninanakaw nila ang pera ng bayan para sa kanilang pansariling interest .Marami pa sanang dapat ayosin sa ating mga paligid kaya nagkakaroon ng mga pag baha at kong ano ano nalang.Totolong lang ang mga governo pag diyan na ang sakuna saka lang nila maiisip ang isang bagay pag andiyan na. Unahin rin sana natin ang taong bayan at ang bayan natin.Dilang natin dapat sisihin ang mga governo kundi pati narin mga sarili natin,dahil tayo rin naman ang mga sumisira sa ating sariling kalikasan.Dapat pangalagaan natin ito dahil tayo rin naman ang makikinabang at tayo lang din ang magtotolungan dahil magkakapamilya tayong lahat.Ang masasabi kolang dapat unahin natin ang mga nangangailangan at hindi ang mga pansariling interest.


ang pagsalanta ni bagyong ondoy ay dapat isisi kay?\